Dear Jenny Rei,
Walang mahal na ginagago..
Totoo naman diba? Paano mo masasabing mahal mo ang isang tao kung ginagago mo sya ng paulit-ulit ulit ulit? Kung sasabihin mo pa ring mahal mo talaga sya, then you have a very weird way of proving your love. Or maybe hindi mo na talaga sya mahal, you’re just saying that as an excuse to bed her coz quite honestly, alam mong wala ng babaeng seseryoso or papatol sa’yo ng totoo. They’ll just be there coz of your money, if any.
Ang taong sinungaling at ma-drama..
Have you ever met a person na lahat yata ng kwentong lumalabas sa bibig nya ay puro kasinungalingan? Lahat ng version nya ay puro habi habi lang hoping na hindi mo malalaman ang totoo? But then if after 3-5years ay palarin kang makasama or makausap ang ibang taong nadulas ang dila or may nahalungkat kang hindi dapat, automatic excuse na raw sya sa kagaguhan nya before kasi nga matagal nang nangyari yun.
And what’s more funny? Kapag galit na galit ka na, aaryahan ka niya ng kung anu-anong ka-dramahan para lang maawa ka sa kanya. At kapag hindi ka pa rin natinag, titirahin ka nya sa paraang alam nyang mag-re-react ka-- budget. Since alam na alam nyang wala kang ibang matatakbuhan at wala kang trabaho, doon ka naman nya gigipitin. You see, sya rin ang klase ng tao na proud na proud sa sarili dahil meron syang magandang trabaho ngayon. Well, let’s congratulate the man then, shall we? Because finally, after 12 long years simula ng kayo ay ikinasal, sa wakas ay nakadale na rin sya ng isang masasabing well-paying job. Kaya naman sobrang feeling special ng taong ito at actually feeling demanding na rin sa halos lahat ng bagay. Feeling excused na rin sya sa lahat ng secret kagaguhan nya. Hay haay haaay. I know, right? Yep, may ganyan talagang klase ng tao na existing pa rin hanggang ngayon. How sad, ayt?