Saturday, May 11, 2013

Bakit Ngayon Ka Lang - Chapter 1

Ito ay kwento ng dalawang taong lubos na nagmamahalan at nagnanasaan sa isa't isa.  Sina Dingdong at Marian.  Sa lahat ng pagkakataon, ang dalawang ito ay laging magkausap, ito man ay sa text messaging or sa skype.  Sa lahat ng pagkakataon, and I mean, sa lahat ng panakaw na pagkakataon, dahil sa kasamaang palad, si Dingdong ay may asawa na at dalawang anak.

Napakasaklap na tadhana, ang makilala ang babaing iyong pinapangarap sa maling oras at pagkakataon.  Yung tipong nais mong sumigaw at kumanta ng "Sayang" ni Claire dela Fuentes, or ng "Ikaw Sana" ni Ogie Alcasid.

Napakahirap.  Hindi mo sya maaaring pakawalan dahil ikamamatay mo ang inyong paghihiwalay.  Ngunit sa madalang na pagkakataon, sumusundot ang iyong kunsensiya.  Ikaw ay may-asawa at babae pa ang iyong dalawang anak, ano itong kaimoralang iyong ginagawa?

No.  He won't give in.  Sobrang mahal niya at pinagnanasaan si Marian.  Si Marian na ibinibigay ang lahat sa kanya.  Lahat ng pagnanasang kailangan nya ay pinupunan ni Marian.  May that be sa motel na lagi nilang pinupuntahan, or sa sarili niyang tahanan sa mga patagong pagkakataon tuwing madaling araw na sya ay nagpapanggap na nagtatrabaho.  Si Dingdong nga po pala ay panggabi sa kanyang trabaho at nabiyayaan na makapag-work at home kaya nasa kanila ni Marian ang lahat ng pagkakataon na makapagsarili buong magdamag.

Yes.  Kahit po si Dingdong ay naturingang may-asawa, magkahiwalay naman po sila ng tirahan.  Ang kanyang pangit na asawa ay naninirahan sa kabilang ibayo kasama ang kanilang dalawang anak.  Samantalang si Dingdong at nanatili sa dati nilang tirahan sa lote ng kanyang matuwid at santa pa sa santang ina.  Buwan buwan naman sya nagbibigay ng abuloy, este sustento sa kanyang mag-iina.  Sustentong masasabi ng sapat sa kanilang pamumuhay kaya naisip nyang wala na siguro silang pakialam kahit na maubos pa ang kanyang natitirang sweldo sa kanyang pinakamamahal at pinagnanasaang si Marian.  Since hindi alam ng kanyang pangit na asawa kung magkano talaga ang kanyang sweldo, wala itong kaalam-alam kung magkano ang nilulustay ni Dingdong makaniig lamang or masilayan lamang ang hubad na katawan ni Marian sa kama man o sa video chat.

2 comments:

Unknown said...

And btw, thank you so much for ever hacking into my email accounts all the time. No! I don't loathe you for doing so, I am so damn proud of you for exerting the effort to the that. Sobrang bilib ako sayo and you know that. Despite your claim of forever having the work to finish or reports to do, for all the hecticness of your schedule, you still find time para gawing miserable ang buhay ko. Hands down talaga ako sayo when it comes to that :) And I am honestly complimenting you. Just do whatever makes you happy Jay, because I no longer can and we both know that. Thank you so much for your money :) May you finally find someone like me back then na nagpakasal sayo kahit na wala kang trabaho that time and ako ang meron. I'll forever be grateful sa naitulong mo samin ng mga bata these years na nagtatrabaho ka while having the time of your merry life ^^

Anonymous said...

Giving you till today. Kung ayaw mo ng maayos na usapan sige.

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.